kaRumaL dumaL

blog na 'wala lang'...(ano daw? 'ehe.. wala lang...)

Saturday, March 11, 2006

Wala lan...


Bumalik na pala ‘yung “Wowowie”. Gusto ko ‘yung program na ‘yun... Ang ganda. Kasi, ewan...

Si Richard Guttierez pala ‘yung gaganap sa role na Captain Barbell... Yuch...

Majika?! Maganda kaya ‘yung Majika? Malamang tungkol sa sirena at pagkain yun... (Duh? Obvious ba kung tungkol saan ‘yung Majika? E ‘di sa magic). Maganda si Angel Locsin doon. Si Dennis Trillo naman, dugyutin... Anyway, mukhang aabangan ang series na ito...

Sino kaya ang mapapa-alis sa bahay ni Kuya? Si Aleck Baldwin (este Bovick pala), Roxie Rexona (tunog bold star, yung tipong Kudette Honasan, Ivory I) or si Keanna? Sana masalba si Keanna... Keanna!!! Support Keanna! (I do support her...) Oo nga pala, sinabi ni Melanie Marquez noon, nung prinopromote niya ‘yung pelikula niya, na kasama raw niya si Aleck Baldwin (na Aleck Bovick naman talaga.)

Grabe, ang ganda ng Jewel in the Palace!!! Astig....
Kung balak niyong manood ng Korean movie, I suggest “Shiri”. Maganda ‘to. Kaya lang, 1999 pa yata siya... Pero maganda. Nakakatouch.

Sino kaya ang mananalo sa Starstruck... Kahit sino na lang... Wala naman silang kwenta (pwera lang kay Iwa na parang Katrina Halili ang dating).


Naaalala niyo pa ba yung message na 13 days? 13days after Pakaman's victory, stampede. After 13 days, landslide. After 13 days, ano naman raw ang kasunod? Answer: Lumantad na si Rustom...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home