kaRumaL dumaL

blog na 'wala lang'...(ano daw? 'ehe.. wala lang...)

Thursday, March 09, 2006

UP Fair, picture ni Keneth Gopez 'to...

Hindi ko man lang na-enjoy 'tong legendary UP Fair. Noong first sem ko pa nabalitaan ang makasaysayang event na 'to, nagaganap once a year. Tuwing Feb ata to nangyayari...

Bakit ganoon ang mga taga UP? Aktibista. Hindi ko naman nilalahat, pero sa mga kalingkingan nila, may natatagong activism... Biruin niyo, ang theme ba naman ng Fair 2006 - "No FAIRmit, No Rally"....

Everyday sa isang linggo, may jamming sa Sunken Garden (Lupaing Lumubog... Totoo 'to, at patuloy pa rin daw lumulubog). Noong Thursday, nandun si Barbie... That's Barbie Almalbis, man... My goodness gulay.... Kasi naman, wala akong kasama... *%#@ing night talaga 'yun! Tapos naririnig ko pa 'yung jamming sa board... *%#@ talaga...

Anyway, lumipas ang week na iyon, at tila wala namang nangyari.... Bakit kaya ganoon?....

* * *

Lumabas na 'yung result ng USC Elections.... Nakakadismaya, konti lang 'yung nanalo sa mga vinote ko.... Sayang talaga, at nakakagulat ang resulta. Mali ang mga vibes ko 'nung araw na iyon... Sabagay, niretake ko 'yung Superpower Test sa Tickle.com at Animal Communicator daw ako!!! Eh kung nga sa mga pusakal eh malupit ako eh... Pinapaso ko pa nga sila ng mainit na mantika...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home