kaRumaL dumaL

blog na 'wala lang'...(ano daw? 'ehe.. wala lang...)

Saturday, March 11, 2006

Little Red Devil

Ash Wednesday n’un... Iniisip ko kung magsisimba ako. Naalala ko kasi ‘yung sinabi ng kaibigan kong iba ang religion. May sinabi siya na parang tatak ng kadiliman ang krus sa noo, at tinukoy niya ‘yung krus na nilalagay sa noo kapag Ash Wednesday. ‘Di ako sigurado sa accuracy ng sinabi ko, basta’t parang ganoon ‘yung sinabi niya.

Pero sa huli, pumunta pa rin ako sa simbahan. Umuwi n’un ako sa St. Jude, since wala naman kaming pasok kapag Miyerkules. Nasa tapat ng bench ko si Mam Montes (English teacher sa PHS) tsaka ‘yung anak niya na friend ng ate ko. Nandun rin pala ‘yung ate ko, pero hindiko siya tinabihan. Tinanong ako ng anak ni Mam Montes, “Buntis ba ‘yung ate mo?”

“Hindi”, sabi ko naman. Gusto ko sanang sabihin, “Buntis nga siya. Boyfriend mo yung ama.” Hindi ko naman masasabi ‘yun... hehe...

Tapos habang nakaluhod kami dahil may novena, dumating na ang huling paghuhukom: nagsipag datingan na ang mga demonyo. May babae kasing tumabi sa akin. Ok lang ‘yun, pero may kasama siyang tatlong paslit. *%#@!^, kinuha pa ‘yung lugar ko: favorite ko ang dulo ng bench.

Ok lang sana kung tahimik ‘yung mga batang mukhang kinder pa lang, pero ang INGAY!!! Lalo na yung batang nakapula (yung isa nakayellow na may mukha ni spongebob, yung isa nakawhite na may Ragnarok character sa harapan). Bagay na bagay yung pula sa bata, mukha siyang devil, ‘yung imp....

Ang ingay niya, nagkakalat siya ng lagim sa simbahan. Lahat ng tao binubulabog niya. ‘Yun bang ingay niya eh hindi maintindihan. Tapos, may hawak siyang abaniko. Kinikiliti niya sa bilbil ‘yung mga nasa harapan ng bench naming. Mga guro ang kinikiliti niya (Si Mam Montes, katabi rin pala niya si Mam Bernas). Kungwari tuwang tuwa sila pero naiinis naman talaga sila...

Dumating na ‘yung pagkakabit ng uling sa noo. “We’ll do it by rows, para hindi po magulo”, sabi ng pari. Guess what, nung nakaposisyon na ‘yung mga maglalagay ng abo, lumusob ang batalyon ng mga tao mula sa likod. Wala rin. Disorganization ang kinahantungan... Napailing nga ‘yung katabi ko eh...

Nung meron na akong uling sa noo, nabigla ako. Hindi pa dumadating ‘yung Three Little Devils. Syempre,umaasa ako na hindi na sila babalik...

Offertory na. Tama ang hinala ko... May kapangyarihan ang mahiwagang Krus na Abo. Nasunog yung mga bata...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home